Napakaliit
ng sigarilyo o “yosi” pero bakit tila napakaraming tao ang nahuhumaling dito at
kung minsan ay nagiging alipin pa nito. Ang pagkahumaling na ito ang nagsisilbing
rehas na di nakikita ng mga mata. At dahil dito nagiging bilanggo sila dahil
sa pagkalulong sa ganitong bisyo.
Sa una paisa –
isang istik lang, hanggang sa maging dalawa, tatlo, lima hanggang sa maging isang
kaha na sa isang araw. Hithit-buga, hithit-buga, hanggang sa nahirapan nang
huminga at tuluyan nang magkasakit!
Maraming kaakibat na problema ang
paninigarilyo ng tao. Ang pagkasira ng mga ngipin, pagbaho ng hininga at ang
tuluyang pagkasira ng baga ng tao ay ilan sa mga pinakamatinding epekto ng
paninigarilyo. Kung iisipin, sa bawat hithit ng sigarilyo ay unti unti nilang pinapatay hindi lang ang sarili nila, pati na rin ang kapwa nila sa tuwing makalalanghap ng usok na galing sa isang naninigarilyo. Ayon sa pag aaral may mahigit 7,000 kemikal ang nakapaloob sa usok na nagmumula sa sigarilyo na nakasasama sa kalusugan ng tao. Bukod pa rito ang usok ng sigarilyo ay isa rin sa mga sanhi ng polusyon sa hangin na sumisira rin ng ating kapaligiran.
Kung may pakialam ka, magpapabilanggo ka pa ba sa rehas ng sigarilyo? Magyoyosi ka pa ba tol?
- Zernon Ezra Y. Chan (120847), I – BS ME, FIL 12 – VV
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento