Alam
naman natin na sa umaabanteng teknolohiya ngayon marami ng bagay ang posible.
Kung dati ay makinilya ang gamit ng mga tao, ngayon, mas "high-tech"
o mas moderno na dahil sa kompyuter. Bukod dito, sa tulong pa ng mga
"programs" o "apps", mas dumadami ang puwede mong gawin sa
kompyuter, tulad ng "Microsoft Powerpoint", "Prezzi" at madami pang iba. Isa nga sa mga
"programs" na may malaking naitulong sa mga tao ay ang "Adobe
Photoshop" na ginagamit upang ayusin at pagandahin ang mga larawan. Sa
madaling salita, nanglilinlang ito upang mapaniwala tayo sa mga bagay na hindi
naman totoo pero puwedeng magkatotoo. Maari itong ihalintulad sa mga ospital na
nagsasagawa ng "plastic surgery", kung saan ipinapakita nila na
puwedeng mangyari iyong ipinakita nilang larawan sa iyo ngunit hindi mo naman
alam kung totoo ba talaga iyon. Para
mapatunayan ito, naghanap ako ng mga larawan sa "internet" at
sinubukan kong "i-Photoshop" ang mga ito. Ganito ang kinalabasan:
Nalaman kong…
ang maiitim ay maaring paputiin,
ang matataba ay maaaring papayatin,
ang mga hindi
kanais-nais na sakit sa balat
(taghiyawat, peklat, atbp) ay kayang
burahin.
Maniniwala
ka ba na ang mga ito ay gawa ko lamang sa "Photoshop"? Siyempre kung
hindi ko sinabi hindi mo naman malalaman. Lahat ng mga larawan, sa isang pitik,
kayang kayang gawan ng "Photoshop" ng paraan. Kung maaaring ganito na
lang din sana
kasimple ang ating buhay.
Kung sana ganoon kabilis lang
na…
ang madilim na buhay ay kayang paliwanagin,
ang nawasak na pamilya’y muling
pagbuklurin,
ang mga tahanang nasalanta ng sakuna
ay muling buuhin.
Sa totoong
buhay, tila napakahirap kung tutuusin. Mahabang proseso pa ang kailangang
danasin. Tanging panahon lang ang kayang humilom sa lahat ng mga problema at sugat
natin. Kaya’t sa bawat hakbang na ating gagawin, atin itong isipin… Ito ba’y
makabubuti o makasasakit lang sa atin?
Kaya’t
habang maaga pa, buhay sana'y ayusin. I-photoshop mo…
- Zernon Ezra Y. Chan (120847), I – BS ME, FIL 12 – VV
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento