Inatasan kami ni Sir Egay na gumawa ng baryasyon ng unang dalawang
linya ng kanta ng Eraserheads na may pamagat na "Ang Huling El Bimbo"
na hindi pa nagagawa ng kanyang dating klase o ni Adam David sa kanyang libro
na The El Bimbo Variations. Dito sa aking blog, sinikap kong gumawa ng
sarili kong baryasyon. Typographic art na ginawa ni Christian Bök na may
pamagat na "Odalisque" ang aking naging inspirasyon dito.
Dahil sa maraming kabataan ngayong hindi na nakakikilala kay Paraluman,
gumawa ako ng isang tulang may adaptasyong banyaga. Ang tawag dito sa tulang
aking ginawa ay English Rondeau na nang galing sa England. Ginawa ko ito dahil
naniniwala akong hindi sapat lamang na ipakilala si Paraluman sa visual poetry
bagkus dapat din sa isang tulang tradisyonal, may tugma at sukat. Sa
pamamagitan din nito, lalong maipapakita ang pagkakaiba ng dati at ngayon. Kaya
narito ang tulang aking ginawa:
Kamukha noon ni
Paraluman,
Sa pagsayaw, hahanga
sino man;
Mga bata pa nga kami noon;
Kahit na anuman ang panahon,
Napapasaya ang karamihan.
Nais ko ngang ikaw ay ligawan;
Ngunit, ako ay nag-alinlangan;
Humahanap ng pagkakataon;
Kamukha noon...
Isang araw ako’y sinamahan;
El bimbo nga, ako’y tinuruan;
'Di sinayang ang pagkakataon,
Inabot na nang buong maghapon;
Ligaya nati’y 'di matawaran.
Kamukha noon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento