Biyernes, Pebrero 1, 2013

Ang Puno



Kailan mo masasabing ang isang lugar o bagay na iyong nakikita ay tunay na mapayapa? Kadalasan ay nakikita natin ito sa isang panatag at kalmadong dagat. Minsan din nama’y sa pagsikat ng bagong umaga, sa pagtama nito sa sangkalupaan.





Ang pag gising sa umaga, para sa isang tipikal na estudyanteng kagaya ko ay di kasing dali gaya ng inaakala ko noon. Dapat ihanda ang sarili para sa pagpasok sa paaralan, lahat ng bagay na kakailanganin mo ay dapat ng igayak dahil pag may nakalimutan ka, trapik ang kalaban mo. Pag nangyayari ito, laging si trapik ang sinisisi natin. Pag dating mo ng paaralan, di ka makapasok kasi naiwan mo pla yung ID mo at sino ang sisisihin mo, yung mga kasama mo sa bahay na nag apura sa’yo para magmadali. Lagi tayong humahanap ng sisisihin lalo na sa mga oras na mali o palpak ang kinalalabasan ng mga bagay na ginawa na natin.

            Ganoon din naman, ang lahat ng nasa paligid natin ang siyang bumubuo o di kaya nama’y sumisira sa atin. Nariyan ang Diyos, pamilya, barkada, kompyuter, telebisyon at kung anu-ano pa na maaaring makaimpluwensiya sa atin. Maaaring mabuti o masama ang dulot ng mga ito, ngunit sa huli, tayo pa rin ang magdedesisyon kung saan o alin ba ang pipiliin natin. Kung magpapadala tayo sa barkada at masasamang bisyo, malamang ay ikapahamak natin ito. Ngunit kung patuloy lang tayong kakapit at maniniwala sa Diyos, tiyak na hindi tayo mapapahamak.

sariling likha ng may akda
              

Gaya ng larawang nasa itaas, ang mga bagay tulad ng lupa, ulan, hangin, at kidlat ay ang mga bagay na nasa paligid natin. Sa hampas ng malalakas na hangin at lakas ng buhos ulan, samahan pa ng kidlat, tila napakagulo, at kung sakaling ang ugat ng puno’y bumitaw sa pagkakakapit nito ay siguradong matutumba. At kung makapagsasalita lamang ito ay tiyak na sisisihin ang ulan hangin at kidlat. Sa oras na matapos ang bagyo, muli ang ugat niya’y kakapit sa lupa, muli siya’y babangon, magkakadahon at mamumunga.


Sa huli nawa’y mabuhay tayo gaya ng punong iyon. Sa kabila ng mga bagay sa paligid natin na maaaring makasama sa atin ay matuto tayong kumapit muli sa Diyos. Tigilan ang paninisi sa iba sa mga bagay na nangyayari sa atin, dahil tayo ang gumagawa ng desisyon. Ipanatag natin ang ating mga sarili, ihanda ang lahat ng ating mga kailangan, ipanatag ang ating kalooban upang magkaroon ng kapayapaan sa ating sarili at huwag kalimutang magpasalamat sa lahat ng Kanyang kaloob.



Zernon Ezra Y. Chan (120847), I – BS ME, FIL 12 – VV

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento